

Alipin Mo
JTG Worship
Alipin Mo
VERSE 1:
Kung masisilayan ko ang Iyong Mukha
O Diyos makakayanan ko ba?
Kung ako at haharap sa kabanalan mo
O Diyos makakayanan ko ba?
Pre Chorus:
Kung Hindi mo lilinisin ang aking mga kamay
At Hindi mo babalutan ng Iyong pagmamahal
Chorus:
Paano na kaya ako kung wala ka
Kailangan ko ang pag-ibig mo at kalinga
Ikaw ay Diyos at ako'y tao at Ikaw ang Panginoon
At ako ay alipin mo
VERSE 2:
Kung ako naman sa Iyo maglilingkod
O Diyos malulugod Kaba?
Kung ako ay aawit sa Iyo ay sasamba
O Diyos makikinig Kaba?
Bridge:
Bihiyag ng iyong kahabagan
Alipin ng iyong kapatawaran
Binihag ng iyong kabanalan
Alipin ng iyong pagmamahal
Minamahal Kita
VERSE 1:
O Diyos, Ikaw sa akin ay huwag magdaramdam
Ikaw ang mahal ko
At tanging kailangan
Verse 2:
Anong ligaya sa puso at kapahingahan
Kung Ikaw O Diyos
Sa aki'y di magdaramdam
Chorus:
Minamahal kita, Panginoon
Iniibig kita, tapat Kang totoo
Ang pagtingin Mo sakin ay pag-ibig
Ang kagalingan ko,
Kapayapaan ko'y Sa'yo.
Bridge:
Sa palapit na palapit,
Na Iyong pagbabalik
Ako nama'y Iyong pabanalin
Nasayo Na
VERSE 1:
Sa tuwing maaalala ko
Ang pagibig Mo
Napupuno ang puso ko
Ng pagsamba sa Iyo
​
Sa tuwing naaalala ko
Ang buhay ko noon
Nakapagtataka
Bakit pinili Mo
Pre Chorus:
Hindi mapipigil ang aking
Pag pupuri
Hindi maiaalis sa akin
Ang magtanong sa Iyo
Bakit pinili Mo
Ang buhay ko'y binago
At inibig Mo
Salamat sa Iyo
Chorus:
Nasayo Na
Ang Lahat Kong hinahanap
Nasayo Na
Ang Lahat Kong kailangan
Ikaw Hesus
Ikaw ay sapat Na
Nasayo Na Ang lahat
Bridge:
Kung iisipin lang
Ako'y wala namang
Ginawa upang Iyong
Kahabagan
Kung kaya't
Habang buhay Ang
Pasasalamat Ko sa Iyo
Dahil ako'y pinatawad
Inibig Mo
Hindi Na Iiwan
VERSE 1:
Kay dali
Sabihing Ika'y
Mahal Ko
Ngunit nagkakasala
​
At Kay dali Ko ring
Saktan Ang puso mo
At Kay dali mong patawarin
Verse 2:
Ilang ulit na bang lumayo
At ilang ulit Mo ring hinanap
Natagpuan at
Ngayo'y ligtas
Chorus:
Ayaw ko ng magkamali
Ayaw ko ng magkunwari
Turuan Mo Ang puso Kong
Magmahal Ng tapat sa Iyo
Ayaw na Kitang saktan
Hindi na iiwan
Panginoon ng puso ko
Pag ibig ko'y
Para lang sa Iyo
Tanging Sa'yo
VERSE 1:
Aanhin ko ang kayamanan
Kung Ikaw nama'y aking malilimutan
Aanhin ko ang kalakasan
Kung ako nama'y hindi Mo sasamahan
Aanhin ko ang kapangyarihan
Kung Ikaw nama'y kaaway ko
At hindi kaibigan
Aanhin ko ang karangalan
Papuri't pagsamba'y
Para sa Iyo lamang
Pre Chorus:
Ikaw ang aking awit
Ang aking Pag ibig
Hinding hindi mararanasan
ang ganitong kaligayahan
Sa anumang bagay
Tanging sayo lamang
O Diyos
Chorus:
Paano na kaya ako kung wala ka
Kailangan ko ang pag-ibig mo at kalinga
Ikaw ay Diyos at ako'y tao at Ikaw ang Panginoon
At ako ay alipin mo
VERSE 2:
Aanhin ko ang kagalingan
Kung hindi naman Ikaw ang kagalakan
Aanhin ko ang karunungan
Kung ako nama'y hindi Mo pangungunahan
Aanhin ko ang kalayaan
Kung Ikaw nama'y iiwan ko
At sasaktan Lang
Aanhin ko ang katanyagan
Ang buhay kong ito'y
Para sa Iyo lamang
Awit Ni Pablo
VERSE 1:
Inari ko na isang kalugihan
Ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan
Pre Chorus 1:
Kapalit ng mas mahalagaa
Ang makilala’t madama ko pa
ang pag-ibig Mo sa akin
Wala ng nanaisin pa kundi ang maranasan Ka
Saakin Ikaw ang mahalaga
Verse 2:
Para sakin ang mabuhay ay sa Iyo
At ang kamatayan sa Iyo'y pakinabang
Pre Chorus 2:
Sabihan man nila sakin ako sa Iyo'y nababaliw
At pagtawanan pa nila
Wala ng nanaisin pa kundi ang maranasan Ka
Sa akin Ikaw ang mahalaga
Chorus:
Ipagpapalit ko ang lahat
Makasama lang Kita
Ipagpapalit ko ang lahat
Maranasan lang Kita
Tag:
Wala ng nanaisin pa
Kundi ang maranasan ka
Sa akin ikaw ang mahalaga
Huwag Kang Bibigay
VERSE 1:
Para bang 'di mo na kaya
At ka'y dami mong problema
Para bang sumusuko na
Pagod ka na?
​
Buksan mo ang iyong mata
'Di bat nakatayo ka pa?
Alam ng Diyos kaibigan
Kasama mo Siya
Chorus 1:
Huwag kang bibigay
Aayaw, magsasawa
Huwag kang mapapagod
Lalayo, manghihina
Gagamitin ka pa ng Diyos
Mahal ka nyang lubos
Chorus 2:
Huwag kang bibigay
Aayaw, magsasawa
Huwag kang mapapagod
Lalayo, manghihina
Huwag mawawalan ng pag - asa
Darating din ang umaga
Kasama mo Siya
Verse 2:
Ibabangon ka Niyang muli
Kung ikaw ay magkamali
Itatayo ka Niya sa tuwing madarapa
Malayo na ang Iyong narating
Wala ng babalikang muli
Kaya mo yan kaibigan
Kasama mo Siya
Salamat Kaibigan
VERSE 1:
Kahit mahirap gawin
Mga ligaw ay abutin
Kahit pagod na ang paghahanap ay tuloy parin
Sarili ay kinalimutan
Upang iba'y paglingkuran
Mga kaluluwang nagbabalik loob
Ay siya mong kasiyahan
Chorus:
Salamat kaibigan sa iyong ginagawa'y
Maraming buhay ang sadyang pinagpapala
Awit ko ay kulang pa
Upang pasalamatan ka
Sa langit lubos ang iyong gantimpala
Verse 2:
Panganib ay di inalintana
buhay may itataya
Kung kapalit nito'y kaligtasan lang sa mga nawawala
Dumudulog sa panalangin
Sumisigaw at dumadaing
At ang hinihiling maraming puso pa ang babaguhin
Bridge:
Ipagpatuloy mo kaibigan ko
Ang iyong nasimulan
Marami pa roon ang naghihintay
Ng isang katulad mo